By

Gastos ng Pinas sa ASEAN Summit, sulit – Sotto

Sharing is caring!

Itinuturing ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na sulit ang malaking ginastos ng Pilipinas sa katatapos na 31st ASEAN Summit sa bansa.

Ayon kay Sotto, tiyak na triple ang balik o kapalit nito sa bansa.

Sinabi ng senador na bahagi ng benepisyong dulot ng Summit ang magandang epekto nito sa ating kalakalan at mga inaasahang dagdag o mga bagong pamumuhunan.

Pinuri rin nina Senador Sherwin “Win” Gatchalian at JV Ejercito si Pangulong Rodrigo Duterte sa matagumpay na chairmanship sa okasyon.

Kapansin-pansin naman para kina Senador Sonny Angara at Nancy Binay na magaling ang mga organizer at naging maayos ang takbo ng event.

Nagpasalamat din si Binay sa mga leaders ng ASEAN sa pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa buong rehiyon sa loob ng 50-taon.

Kabuuang P15.5 bilyon ang ginastos ng Pilpinas sa Chairmanship sa 31st Asean Summit na nakasabay sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Asean kung saan isa ang bansa sa orihinal na kasapi nito. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?