49

Dec 2, 2019 @ 14:41
By

Gasolina, diesel tataas na ang presyo

Makalipas ang tatlong linggong sunud-sunod na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, bukas ng umaga, Disyembre 3, magpapatupad ng dagdag-presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Pangungunahan ng mga kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix at PTT Philippines ang dagdag-presyo na P0.30 kada litro ng gasolina, P0.50 kada litro ng kerosene, at P0.65 sa diesel na epektibo alas-6:00 ng umaga, Martes.

Inaasahan naman na susunod nang magpatupad ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang pinatupad na malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang huling nagpatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo noong Nobyembre 26 na nasa P0.20 kada litro sa gasoline at P0.10 kada litro naman sa diesel at kerosene.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?