68
gasolina-petrolyo-krudo
Nov 24, 2019 @ 17:11
By

Gasolina, diesel bababa muli ang presyo

Asahan sa Martes ang pagbabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Aabot sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang bawas presyo sa diesel habang P0.30 hanggang P0.40 naman ang bawas presyo ng gasolina at nasa P0.10 hanggang P0.20 kada litro naman ang bawas presyo sa kerosene.

Nabatid na nasa ika-siyam na rollback ang naganap sa magkakasunod na linggo na bawas presyo, umabot na sa P2.60 kada litro ang ibinaba ng diesel simula pa Oktubre 1 at nasa P4.00 naman ang gasolina.

Samantala, magpapatupad ang Petro Gazz ng rollback sa diesel na P0.10 per liter at gasolina na P0.20 kada litro na epektibo rin bukas.

Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, ang pagbaba ng presyo ng diesel ay dahil na rin sa pagbaba nito sa merkado ng P0.10 hanggang P0.20 habang nasa P0.30 kada litro din sa gasolina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?