107

Apr 7, 2020 @ 8:16
By

Gary V walang pake sa batikos kay Duterte

Walang paki si Gary Valenciano sa mga himutok ng madla, at sinabing susundin niya lang ang gusto ng “kanyang Diyos”: ang balutin sa panalangin si Pangulong Rodrigo Duterte.

“To our president, President Rodrigo Duterte, there are so many opinions after each time you speak,” sambit ni Mr. Pure Energy sa Twitter kagabi.

“but I choose to look over all that’s said and simply follow what I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer. God bless you sir…God bless us all🙏🏼(emoji: Flag of Philippines)🙏🏼,” sey niya pa.

May mga nagsabing dapat pamarisan ang mang-aawit, habang marami ring bumatikos at sinabihang “naive” si Gary sa pamumuno sa bansa habang may COVID-19 crisis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?