747

Jan 4, 2022 @ 20:51
By

Gary V tinaningan na ng doktor

Inalala ni Gary Valenciano ang panahon kung saan sinabihan siya ng doktor na mabubuhay na lamang siya hanggang edad 44.

Sa ngayon, 57-anyos na ang singer at proud na naabot niya ang naturang edad.

Sa YouTube channel ni Toni Gonzaga, sinabi ng binansagang Mr. Pure Energy na ang taning sa kanyang buhay ng doktor ay nang ma-diagnose siyang may type 1 diabetes.

Edad 14 pa lamang daw siya ay pumalo na ang sugar level niya sa 722.

“Binanggit ng doktor sa nanay ko, ‘Mrs. Valenciano, a type 1 diabetic is given an average life span of 30 years from the day of diagnosis.’ I was 14,” kuwento ng singer kay Toni.

“So if you do the math, dapat when I got to 44, wala na or maybe I got to 48, pero may mga problema na sa mata, sa nerve endings and all,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?