gary-v2

Gary V sa kanyang fans: I’m feeling good!

Sharing is caring!

Habang nagpapagaling si Gary Valenciano matapos sumailalim sa heart surgery nitong nagdaang buwan, aminado naman itong nami-miss niyang mag-perform sa “ASAP”.

Sa ASAP noong Linggo, nagpaunlak si Valenciano sa isang live phone interview.

“Pinapanood ko kayo diyan, parang miss na miss ko nang tumapak sa entablado ng ‘ASAP,'” masayang pahayag ni Valenciano.

“Yung kalagayan ko ngayon, nakikita niyo sa video, unti-unti akong lumalakas pero I want to thank everyone, including everybody at ABS-CBN,” sambit nito.

“Gusto ko lang sabihin sa inyo na 100% ay sinasagot ang mga prayer at panalangin because I’m really feeling good, I’m feeling stronger and stronger every single day,” ayon pa kay Mr. Pure Energy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?