248

By

Gary V nag-cheer sa ibang bansa

Bukod sa Pilipinas, isa pang bansa ang nais ni Gary Valenciano na makasungkit ng medalya sa 30th Southeast Asian Games.

Sa tweet ni Mr. Energy, pinaabot nito ang suporta sa Timor-Leste, na wala pang nakukuhang gintong medalya sa biennial meet.

“Timor-Leste Do not lose hope or heart As time goes by you will only get better and better. We the Philippines acknowledge your presence and salute your efforts. You will get there!!!” ayon sa sikat na singer.

Hindi lang si Gary V ang sumusuporta sa kalapit na Asian country, bumuhos din ang suporta sa Timor-Leste nitong nagdaang araw mula sa mga Pinoy fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?