49

Jul 26, 2020 @ 12:11
By

Gary V, Chito, Yael mga tunay na tropa ni Francis M

Pinarangalan sa MYX Awards ngayong taon ang nasirang Pinoy rapper na si Francis Magalona.

Siya ang kinilalang “MYX Magna awardee,” at ang parangal ay tinanggap ng kanyang asawang si Pia.

Samantala, inalala ng ilang musikero ang husay ng rapper.

Kabilang sa mga nag-alay ng tribute ay mga anak nitong sina Elmo, Saab, at Arkin.

Kinanta naman nina Gary Valenciano, Raymund Marasigan, Chito Miranda, at Yael Yuzon ang sikat na kanta ni Francis M na “Kaleidoscope World”.

“Maraming, maraming salamat din sa ibang artists pa na bumuo ng tribute @yaelyraz @raymsmercygun @chitomirandajr at Mr @GaryValenciano1 na ilan sa mga tunay na minamahal na kaibigan ni FrancisM sa industriya,” bulalas ni Pia sa Twitter, Sabado ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?