10

Oct 17, 2020 @ 13:40
By

Gary Payton target maging NBA coach

Balak pasukin ni Hall of Famer Gary Payton ang mundo ng pagko-coach sa NBA.

Sa panayam sa Yahoo Sports, sinabi ni Payton na tingin niya’y handa na siyang maging mentro sa mga batang manlalaro ng liga.

“A lot of young NBA players are a voice away from reaching their true potential,” ayon kay Payton. “I would like to join an NBA staff where I can help coach, mentor and guide players toward the hard work, focus and determination needed to become a reliable contributor to a team’s success.”

Si Payton ay isa sa primyadong guard ng liga, 17 taong naglaro sa NBA at nasungkit ang siyam na All-NBA First Team selection.

Nakilala si Payton sa bansag na ‘The Glove’ dahil sa galing nito sa paghablot ng mga steal mula sa kalaban, na naging daan para masungkit niya ang NBA Defensive Player of the Year noong 1996.

“I have knowledge to share and I’m ready to help,” lahad ni Payton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?