96

Dec 11, 2017 @ 12:08
By

Garin: Walang korapsyon sa pagbili ng Dengvaxia

Mariing itinanggi ni dating Health Sec Janette Garin na may katiwalian at sabwatan sa pagbili nila noon ng Dengvaxia vaccines mula sa kumpanyang Sanofi Pasteur sa halagang P3.5 bilyon.

Itinanggi rin nito na apurahan ang pagbili ng bakuna dahil dumaan umano ito sa masusing pag-aaral.

“Wala po itong corruption, wala po itong hinangad na pagmamadali dahil matagal na pong pinaguusapan ang dengue,” pahayag ni Garin sa media bago nagsimula ang pagdinig ng Senate blue ribbon committee ukol sa kontrobersyal na bakuna.

Una nang sianbi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng komite, na may malakas na palatandaan na nagkaroon ng “conspiracy” sa pagbili ng bakuna.

“The documents will show that it is a long process. Talks started in 2010. Pinaigting ito nung 2012. It is not a midnight deal. Everything was above board,” diin ni Garin.

Ipiagtanggol din nito ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na nangasiwa sa pagbili at pagtuturok ng bakuna kontra dengue.

Nagpa-bidding umano ang PCMC at may intergriidad naman ang mga nanunungkulan doon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?