58

Dec 11, 2017 @ 11:44
By

Garin, Ubial lumutang sa Senado

Sumipot sa pagdinig ngayon ng Senado sina dating Health Secretary Janet Garin at dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial.

Humaharap sila sa Senate blue ribbon committee kaugnay ng kontrobersyal na bakuna kontra dengue na Dengvaxia.

Dumating si Garin kahit naka-suero at nanghihina dahil sa appendicitis at kahit namatayan ng ama.

Gusto raw niyang ipaliwanag sa mga senador at sa publiko kung bakit ipinasya nilang bumili ng Dengvaxia.

Ooperahan ito sa appendicities mamayang hapon.

Sa panayam bago ang pagdinig, mariin nitong sinabi na walang katiwalian sa pagbili ng bakuna at hindi rin ito paspasan dahil dumaan ito sa mahabang pag-aaral.

Humaharap din si Ubial sa pagdinig kung saan balak itong komprontahin ni Sen. Richard Gordon ukol sa pagkontra noon sa dengue vaccine pero kinalaunan ay ipinagtanggol na ang bakuna at ipinagpatuloy ang pagpapaturok nito sa mga bata. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?