Garin ‘open’ sa imbestigasyon sa dengue vaccine controversy

Sharing is caring!

Nakahanda diumano si dating Health Secretary Janette Garin na harapin ang imbestigasyon hinggil sa kanyang naging papel sa pagpapatupad ng dengue vaccination program na sinimulan noong nagdaang administrasyon.

“I will answer all questions at the right time, in the appropriate forum. I will also await clarity from DOH and WHO as they are the authorities on this,” pahayag ni Garin sa isang text message kanina.

“In the event that there will be authorities who will point culpability to me, I am ready to face the consequences,” dagdag pa nito.
Paliwanag pa ng dating kalihim, nagsimula diumano ang programa ng dengue vacciationa bago pa man siya maitalaga sa nasabing posisyon
“The dengue vaccination program plan started even before my time. We implemented it in accordance with WHO guidance and recommendations,” sabi ni Garin.

Nakipag-koordinasyon din umano sila sa World Health Organization (WHO) bago ipinatupad ang program.

“Even before the official release of the SAGE [WHO Strategic Advisory Group of Experts on Immunization], there were ongoing meetings and consultations between experts, WHO and DOH technical officials,” sabi ng dating DOH secretary.

“We fully cooperated and consulted with WHO prior to the implementation of this program. With the desire to resolve this deadly virus, the Department started the vaccination program which has until now been seen to be strongly beneficial to 9 out of 10 Filipinos,” sambit pa nito.

Nauna rito, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang P3.5-billion dengue vaccination program ng DOH na naglagay sa panganib sa 733,000 mag-aaral na nabakunahan ng anti-dengue vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?