54

Dec 17, 2017 @ 16:16
By

Garin, Abad swak sa technical malversation case

Maari umanong kasuhan ng technicak malversation sina dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad dahil sa kanilang partisipasyon sa pagbili ng P3.5 bilyong halaga ng Dengvaxia vaccine, ayon kay Senador Joseph Victor Ejercito.

Sabi ng senador, ang nasabing halagang ginamit sa vaccination program ay hindi bahagi ng General Appropriations Act para sa taong 2015.

“Ang lahat ng dapat pagkakagastusan o lahat ng programa ng ating pamahalaan, dapat merong appropriations na galing sa Kongreso. At dito, malinaw na malinaw na wala ang purchase of dengue vaccine,” pahayag ni Ejercito sa panayam sa dzBB.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon and health committees noong Huwebes, napag-alamang ang pondong ginamit sa nasabing programa ay nagmula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) and Pension Gratuity Fund (PGF) savings.

“Wala pa ang approval at hindi pa sila sigurado kung pwede na ang dengue vaccine. So noong nagkaroon ng go signal eh saka nila pinurchase,” ani Ejercito.

“Pero sa akin, kahit saan mo tingnan, ‘yan ay technical malversation kasi nga walang approval ng Kongreso, walang appropriations ang pagbili ng P3.5-billion worth of dengue vaccine,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Ejercito, lahat ng signatories sa pagbili ng nasabing bakuna ay maaring masampahan ng kasong technical malversation kabilang na si Abad at Garin.

Kahit aniya si dating Pangulong Benigno Aquino III ay puwedeng managot sa naturang anomalya dahil sa kaabayaan nito.

“Sa tingin ko, kung titignan mo ‘yong command responsibility, baka may liability siya. Maybe negligence lang dahil kinakailangan niyan, due diligence,” ani Ejercito.

“Kumbaga, ang mas mabigat na may sala ay iyong mga underlings, iyong mga secretaries dahil sila dapat ang nagsagawa ng due diligence,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?