56

Aug 25, 2020 @ 23:26
By

Garin, Abad pinakakasuhan sa pag-divert ng P10.6B PhilHealth fund

Pinasasampahan ng Senate Blue Ribbon Committee ng kasong kriminal sina dating Health Secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Butch Abad, dating PhilHealth chief Alex Padilla at iba pang mga opisyal kaugnay ng pag-divert ng P10.6 bilyong pondo ng ahensiya.

Sa report ng Senate Blue Ribbon Committee, ang rekomendasyon sa tatlong opisyal ay may kaugnayan sa diumano’y pag-divert ng pondo ng PhilHealth para sa senior citizen patungo sa barangay health center.

Ipinakita ni Senador Richard Gordon, chairman ng blue ribbon committee, ang kanilang report kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa WellMed Dialysis scam noong 2019.

“Dapat mapunta ‘yang pera sa PhilHealth, binawi niya (Garin), inilagay niya sa isang project na hindi naman inaasinta ng gobyerno, so technical malversation. Ganoon din si Abad at former PhilHealth President and CEO Alexander Padilla,” pahayag ni Gordon sa virtual interview ng mga reporter.

Nakasaad din sa rekomendasyon ay ang pagsasampa ng kasong plunder subalit wala namang nakalagay doon kung sino ang mga kakasuhan ng nasabing kaso.

“The Ombudsman should conduct investigations as to the possibility of filing plunder charges against the officers responsible in PhilHealth,” sabi sa committee report.

“There is with the participation of many officers- collectively or singly,- in the pillaging of PhilHealth an urgent need to determine whether or not plunder can be filed against alleged perpetrators of these crimes,” dagdag pa doon.

Sinabi sa committee report, inirekomenda din ang paghahain ng paglabag sa Anti-Graft and Corruption Act laban kay Garin dahil sa pag-divert ng pondo ara sa senior citizen patungo sa proyekto ng Department of Health noong 2015.

“In 2015, P 10.6B was allocated for the premium of Senior Citizens in Philhealth. However, this had been diverted to the construction of DOH Projects,” ayon sa committee report.

“The loss of P10.6 Billion that was spent on uncompleted projects for political campaign purposes stunted PhilHealth’s financial growth. By diverting the budget, then DOH Sec. Garin and company put in disrepute the integrity of the Philhealth fund and derailed the march to efficient and reliable health insurance in this country,” sabi pa sa report.

Nakasaad pa sa report na nag-release ang DBM ng P9.39 bilyon na dapat sana’y idi-disburse sa PhilHealth subalit nabigay sa proyektong ni-request ni Garin kabilang ang P5.36 bilyon para barangay health stations.

“The report also noted that the Department of Budget and Management, on the last working day of public offices in 2015, released P9.39 billion which was supposed to be disbursed to PhilHealth but was given to the projects requested by Garin including P5.36 billion for Barangay Health Stations,” sabi sa report.

“According to the COA 2017 Report on Barangay Health Stations, in phase I of the project, only 426 (13.31%) Barangay Health Stations are completed out of the 3,200 supposed units. In phase 2, only 12 or (0.48%) are completed out of the 2,500 supposed units,” ayon pa sa komite.

Bukod sa kasong graft, inirekomenda din ng komite na sampahan ng kasong technical malversation at paglabag Section 7 (1) ng RA No. 6713 o Code of Conduct of Ethical Standards for Public Officials and Employees sina Garin, Abad at Padilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?