117
jv-ejercito
By

Garin, Abad responsable sa Dengvaxia mess; Noynoy nganga – JV

Sharing is caring!

Kinontra ni Senador JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health, ang draft Blue Ribbon Committee report kung saan tinukoy na pangunahing responsable sa kontrobersiya sa Dengvaxia si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Ejercito, sina dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad ang pangunahing responsable sa anomalya habang naging pabaya lang si Aquino.

Aniya, dapat habulin si Garin dahil ito ang nagrekomenda na bilhin ang Dengvaxia kahit hindi pa garantisadong ligtas.

“Sec. Garin was the one who recommended the purchase of the untested vaccine. The purchase was pushed despite the fact that the clinical trials were not yet finished and ignored the warnings by some experts as to its dangers,” ani Ejercito.

Si Abad naman aniya ang nagrekomenda at napakabilis na nag-apruba ng pagpapalabas ng P3.5 bilyon na ipinambili ng Dengvaxia kahit holiday period noong Disyembre 2015.

Ayon kay Ejercito, ang kasalanan naman ni Aquino ay ang pagpapabaya dahil hinayaan lang sina Garin at Abad sa pagbili ng bakuna.

Hahabulin na lang aniya si Aquino ng konsensiya at ng kaniyang legacy nang dahil sa failure of leadership nito.

“PNoy (Aquino) should have exercised more prudence and oversight instead of allowing Garin and Abad to proceed with the purchase o the controversial vaccine,” ani Ejercito.

“That is a failure of leadership that shuld hound his conscience and legacy,” dagdag ni Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?