44

Feb 21, 2020 @ 16:19
By

Garin, 9 pa nakitaan ng probable cause para kasuhan sa Dengvaxia mess

Pinakakasuhan na ng Department of Justice si dating Health Sec. Janette Garin at siyam na iba pang opisyal kaugnay sa pagkamatay ng mga nabakunahan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Kabilang sa pinasasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, dahil sa pagkamatay ng ikalawang batch ng umano’y mga Dengvaxia victim, sina Garin at ilang opisyal ng Department of Health, Food and Drug Administration, Research Institute for Tropical Medicine at Sanofi Pasteur.

Nakakita rin ng basehan ang DOJ panel of prosecutors para kasuhan ang presidente ng Sanofi Pasteur dahil sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines sa pag-manufacture ng Dengvaxia vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?