8

By

Garfield, best leading actor sa Tony Award

Sharing is caring!

Itinanghal na best leading actor in a play si Andrew Garfield sa 72nd Tony Award na ginanap sa Radio City Music Hall sa New York nitong Hunyo 10.

Gumanap na batang baklang may AIDS si Garfield sa “Angels in America”.

Inihandog ni Garfield ang nakuha niyang karangalan sa LGBTQ community.

Kabilang sa mga natatanging pelikula ni Garfield ang Oscar nominated “Hacksaw Ridge”, “The Social Network” at “The Amazing Spider-Man”.

Tinalo niya sa award sina Tom Hollander, Jamie Parker, Mark Rylance at Denzel Washington. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?