345

By

Gardo Versoza pakakasal na sa longtime partner na si Ivy

Niyaya nang magpakasal ni Gardo Versoza ang matagal na niyang non-showbiz girlfriend na si Ivy Vicencio.

Ibinahagi ng “Onanay” actor sa kanyang Instagram ang proposal niya kay Ivy kung saan nakalatag sa kama ang mga salitang “Will you marry me?”

Nag-post ulit ito ng larawan kung saan makikita si Ivy na suot ang singsing habang nasa likod niya ang banner na may nakasulat na, “Will you marry me “Shugs”.”

“Shugs” umano ang tawagan nina Gardo at Ivy.

Ilan sa bumati sa aktor sina Jackie Lou Blanco, Arnold Clavio, Carla Abellana at Gina Alajar.

May anak na sina Gardo at Ivy, si Deity Uziel na 5-anyos na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?