67

Jul 7, 2018 @ 15:42
By

‘Gardo’ nasa labas pa ng PAR; habagat magpapaulan sa Luzon, Visayas

Hindi pa nakakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Sabado ang super typhoon Gardo (international name: Maria) pero hihigupin nito ang habagat.

Ayon sa 3 a.m. weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan si “Gardo” sa 2,005 kilometro ng silangan ng Central Luzon na may lakas ng hangin na 185 kilometro at pagbugsong 225 kph.

Gumagalaw ito pa-northwest sa bilis na 10 at inaasahang papasok ng PAR sa Lunes.

Makakaranas ang Metro Manila, Central at Western Visayas, Bataan, Batangas, Cavite, Mindoro, at Palawan ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms na dala ng habagat.

Habang ang iba pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap na may tsansa ng ulan dahil naman sa localized thunderstorms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?