55

Aug 2, 2019 @ 16:32
By

Garcia, RoS tiwalang may mga Game 4, 5

Mukhang natuto na ang Rain or Shine sa dalawang masaklap na talo.

Nalusaw na naman ang maagang 18-point lead, pero kumapit ang Elasto Painters sa timely shooting nina Rey Nambatac, Gabe Norwood at Beau Belga para ipreserba ang 112-104 panalo kontra San Miguel Beer Miyerkoles ng gabi.

Nalasing ang Beermen, nakaiwas sa sweep ang Painters para idikit sa 2-1 ang PBA Commissioner’s Cup semifinals. Balik ang Game 4 mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

“I’m just proud na ‘di kami na-sweep ng powerhouse team,” bulalas ni coach Caloy Garcia sa post-game news conference.

Sa Game 2 nitong Lunes, lumayo ng 29 ang Rain or Shine pero tumukod 117-105.

“They just don’t want to lose today, I guess,” ani Garcia sa kanyang hukbo. “So we hope that we can extend the series again and bring it to a Game 5.”

Napigil ng Painters sina Chris Ross at June Mar Fajardo, pero napabayaan si Chris McCullough. Noong Game 2 ay tumabo si Ross ng career-high 34 points mula 10 of 16 3-point shooting, sa Game 3 ay nalimitahan sa 6 points mula 2 of 9 shooting, ang dalawang pumasok ay mula sa labas ng arc din.

Pasabog ng PBA career-high 51 points si McCullough, pero ‘di kinayang mag-isang kumpletuhin ang isa pa sanang come-from-behind win na tumapos na dapat sa serye.

Tatlong tres ang ibinaon ni Nambatac tungo sa 22 points para panatiliin sa laro ang RoS.

Unang nagsalpak si Norwood ng pang-agaw lead na 3, 105-104. Sa sumunod na play, umatake sa basket si McCullough pero natawagan ng travel ang dating NBA player nang blangkahin ni Norwood.

Naglista ng 16 points si Belga tampok ang tatlong triples, dalawa sa final quarter. Ang huli niya mula downtown 6 seconds sa shotclock ang nagbigay sa E-Painters ng 110-104 lead, 11.2 seconds na lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?