32

Jul 29, 2019 @ 10:18
By

Garcia, RoS tiwala sa Game 2

Semis Game 2 ngayon: (Mall of Asia Arena, Pasay)

7 pm – SMB vs. Rain or Shine

Beermen lead series 1-0

Turnovers, lalo sa dulo, ang nakikitang dahilan ni coach Caloy Garcia kaya naubusan ang kanyang Rain or Shine sa San Miguel Beer sa opener ng kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinals.

Kontrolado ng Elasto Painters ang halos buong laro pero sa miscues na ‘yun ay nakumpleto ng Beermen ang come-from-behind 111-105 win Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nalimitahan pa ng RoS si June Mar Fajardo sa single rebound lang at 9 points, pero ‘di namantine ang momentum.

“It’s just turnovers,” ani Garcia. “’Yung sa dulo kasi, I don’t want to say inexperience, but I think we just made mistakes that a normal player will do.”

Kailangan nilang i-correct ang errors na ‘yun para maitabla ang series sa siklab ng Game 2 mamaya sa Mall of Asia Arena.

Siyam sa 18 turnovers ay nilista ng Painters sa fourth quarter, pinakamalaki ang double-dribble violation ni Rey Nambatac mula pa sa timeout sa final 54 seconds at lamang lang ng anim ang Beer.

Sa kabila nito ay positibo pa rin si Garcia na makakabalik ang kanyang team.

“I think we did a good job today, but they came out with the win,” aniya. “But still, I remain positive that we can try to at least pull one off and then let’s see after that.”

Limang Painters ang nagsumite ng 12 points pataas sa pangunguna ng 20 ni Carl Montgomery na may 17 rebounds at 5 assists pa. May 16-6-4 si Gabe Norwood, naka-13 markers si Norbert Torres na 3 for 5 sa labas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?