58

By

Garcia, Potts bagong kasangga ng Phoenix

Matapos mabigong makapirma sa Rain or Shine, magkakaroon na ng bagong koponan ang dating FEU star na si RR Garcia.

Sa Twitter account ng Phoenix Fuel Masters, kinumpirma ang pagkuha kay Garcia, pati na rin sa dating Alaska Aces guard na si Davon Potts.

Maging si Phoenix head coach Louie Alas ay kinumpirma na rin ito sa kanya ring social media account.

Matatandaan na nakaharap ng Phoenix si Garcia sa kanilang tune-up game kontra Rain or Shine dalawang linggo na ang nakararaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?