77
tim-cone-1
By

Garcia marami pang kakaining bigas

Sharing is caring!

Aminado si Charles Garcia na marami pa siyang kakaining bigas, marami pang dapat matutunan sa sistema ni coach Tim Cone sa Ginebra.

Nag-a-adjust pa si Garcia, pero kahit muling tumukod ang Gin Kings 96-92 sa TNT KaTropa noong Linggo sa MOA Arena ay ayaw pa niyang pindutin ang panic button.

“I’m new to the program and the team and it’s still a long season,” wika ni Garcia pagkatapos malubog ang Gins 0-2 sa PBA Commissioner’s Cup. “I believe in my guys. We’re gonna battle out there. I’m not worried, it’s basketball.”

Unang yumuko ang crowd favorites sa Rain or Shine 108-89 noong April 29.

Kontra Texters, may 15 points si Garcia mula sa 3 for 11 shooting, 9 of 11 sa free throw line. Mayroon siyang nine rebounds at tig-two assists at steals sa loob ng kulang 39 minutes.

Mahaba pa raw ang season, at nangako siyang babawi. Titiyagain niya lang para magamay ang sistema at makuha ang chemistry sa mga kakampi.

“It’s a system,” dagdag ng 29-anyos na import. “Whatever coach Tim’s system is, I’ll go do it.”

Pagkatapos ng dalawang talo ay wala pa namang alingasngas sa kampo ng Ginebra, mukhang itutuloy ang 6-foot-10 reinforcement sa midseason conference.

Fill-in import si Garcia, original choice ng Gins si Justin Brownlee pero nasa kampanya pa sa ASEAN Basketball League finals kasama ng San Miguel Alab nang magsimula ang Commissioner’s Cup.

Maliit din ang 6-7 frame ni Brownlee kaya sumagad sa height ceiling ng imports ang Gins, lalo’t nasa injured list pa si big man Greg Slaughter.

Sunod na sasalang ang Gins sa Biyernes kontra Blackwater sa Biñan, Laguna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?