233

Aug 30, 2019 @ 11:06
By

Garcia kay Manny: I’m ready!

Patitikimin at handa umanong burahin ng dating WBC welterweight champion na si Danny Garcia ang magandang record ngayon sa boksing ni Senator Manny Pacquiao.

“I’ve got that good power in both hands, I’m a good counter-puncher and I’ve got good timing. Those are three things I possess,” paghahamon ng American professional boxer hinggil sa tatlong hawak niyang armas kontra sa Pinoy ring icon.

Ang mga katangian niyang iyon aniya ang kanyang magiging alas kaya hihinintay na lamang niyang makasagupa ang Pambansang Kamao. “So, I think those are three things that’ll give Manny Pacquiao hell in his career” pagyayabang pa nito sa `The PBC Podcast.’

Bagama’t nabigla ito nang mapatumba ng fighting senator ang 30-anyos na si Keith Thurman sa huling laban nila sa Las Vegas ay mas lalo itong ginanahan, excited at umaasang kaabang-abang ang match up nila ng PacMan.

“From what I knew, I thought I was supposed to fight him when he fought Thurman. But let’s see. Let’s see. Let’s see. I’m ready. I definitely think that’s a great matchup for me,” sundot pa ni Garcia na WBC welterweight title holder noong 2016-2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?