505

Nov 8, 2021 @ 11:58
By

Garcia itinanggi pag-endorso sa Marcos Jr. – Duterte tandem

Nilinaw ni Cebu Governor Gwen Garcia ngayong Lunes na hindi niya iniindorso ang tambalang Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ang haka-haka ng tambalang Marcos Jr. at Duterte ay umugong sa kanilang sabay na pagbisita sa Cebu – ang lalawigan ni Garcia.

Ang anak din ng gobernador na si Christina ay ang tagapagsalita ni Mayor Sara.

Bukod dito, may larawan si Garcia kung saan itinaas niya ang kamay nina Marcos at Duterte.

Paglilinaw ni Garcia, ang litrato ay bilang pagpapakita ng pagsuporta nina Marcos at Duterte sa kanyang kandidatura bilang gobernador ng naturang lalawigan, at hindi para ipakita na magkakaroon ng tambalang Marcos-Duterte sa 2022.

“They were both supporting me as the gubernatorial candidate for the 2022 elections,” wika ni Garcia sa panayam ng ANC.

Dugtong pa ng gobernador, naisip nila ang naturang litrato dahil may kalaban siya sa pagka-gobernador sa Cebu na sinasabing inendorso siya ni Duterte.

Ilang ulit nang sinabi ni Mayor Sara na tatakbo siyang alkalde ng Davao City, samantalang tuloy naman sa pagtakbong pangulo si Marcos. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?