88
the-pacman
Jan 8, 2019 @ 18:10
By ,

Garcia ididiga kay Pacquiao

Hindi pa man nagsisimula ang bakbakang Manny Pacquiao at Adrien Broner, lumutang na agad ang pangalan ni Mikey Garcia na maaaring sunod na kalaban ni Pacman.

May hawak na titulo si Garcia sa apat na weight classes kabilang ang kasalukuyang WBC lightweight title at lineal light welterweight title, WBO featherweight champion, WBO junior lightweight title, IBF junior welterweight title at IBF lightweight.

Angat sa welterweight division ni Garcia para i-challenge si Spence Errol para sa IBF 147-lb at posible aniya ang magsagupa sila ni Pacma dahil nasa ilalim sila ng parehong promoter, ang PBC promotions.

“We have many strong opponents for the future, including Mikey Garcia, now that we are under the same promoter. I think it would be more feasible to make now and he would bring a good fight,” wika ni Pacquiao sa panayam sa kanya ng Bein sports.

Ayon naman kay Mike Smith ng Boxing News 24, marami aniyang boksingero sa welterweight division na hindi kayang pantayan ang bilis ni Pacquiao.

“There are fighters in their early 20s at welterweight that don’t possess Pacquiao’s hand speed. Pacquiao is still one of the fastest fighters in the 147 pound division,” wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?