73

Jul 30, 2019 @ 14:16
By

Garcia hinay muna kina Yap, Daquioag

Balik na sa court sina James Yap at Ed Daquioag, ni-reactivate ng Rain or Shine mula injuries para sa PBA Commissioner’s Cup semifinals series kontra San Miguel Beer.

Ngayon lang nakabalik sa playoffs ang dalawa, si Yap mula groin injury at si Daquioag sa injury sa paa.

Nabinyagan ang dalawa sa Game 1 ng best-of-five series na napakawalan ng Elasto Painters 111-105.

Limitado ang minuto ng dalawa, pero umaasa si coach Caloy Garcia na makukuha rin nila ang ritmo.

Parehong nagsumite ng 5 points ang dalawa. Tumagal si Yap sa loob ng 6 minutes, 52 seconds, nag-log si Daquioag ng 8:49. Pareho pa silang 2 of 4 mula sa floor, nagpasok ng tig-isang 3-pointer.

“I didn’t want to force them to long minutes, kasi ‘yung rhythm nila ibabalik pa muna nila,” pahayag ni Garcia sa PBA website. “At the same time, the players who did a good job in their absence still played good minutes.”

Naka-uniform na rin si Fil-Nigerian Maverick Ahanmisi pero ‘di pinaglaro at mas malamang na out na sa buong playoffs.

Game 2 ng series Lunes ng gabi sa Mall of Asia Arena na pinagwagian ulit ng Beermen kahit nalubog sa 29 points, 117-105.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?