111

Feb 20, 2020 @ 16:16
By

Garbin: Duterte lumalambot sa prangkisa ng ABS-CBN

Tila bumibigay na si Pangulong Rodrigo Duterte sa usaping may kinalaman sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Paniwala ito ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin matapos ang panawagan ni Senador Bong Go sa mga kongresista na aksiyunan na ang nakabinbing panukala ukol sa renewal ng prangkisa ng naturang TV network.

Sianbi ni Garbin, ang panawagan ni Go ay pagpapakita lamang na bumibigay na ang Pangulo dulot na rin ng patuloy na pagdami ng grupong nananawagan para sa agarang pag-aksiyon sa usapin.

Paliwanag ng kongresista, si Go ay nagsisilbing ‘eyes at ears’ ng Pangulo kung kaya’t anuman ang sasabihin nito ay sumasalamin na rin sa Pangulo.

“Senator Go serves as the eyes and ears of President Duterte and sometimes when the President is uncertain he course it through Senator Go,” ayon kay Garbin, miyembro ng Committee on Legislative Franchises.

Dahil dito, ayon sa kongresista, wala nang dahilan ang Kamara upang hindi aksiyunan ang panukala lalo’t ilang linggo na lamang ang nalalabi at magbabakasyon na ang Kongreso para sa kanilang summer break.

“Momentum has shifted in favor of the House of Representatives acting with urgency and immediately conducting hearings on the ABS-CBN franchise bills,” dagdag ni Garbin.

Maging si Albay Rep. Edcel Lagman ay kumbinsido na may ‘basbas’ang Pangulo sa naging panawagan ni Go na pagpapakita ng tila lumalambot na ang Pangulo sa pagtutol nito sa renewal ng ABS-CBN franchise.

Dagdag pa ni Lagman, maaaring ang paglambot umano ng Pangulo sa posisyon nito ay dahil na rin sa nakita nitong pagdami ng sentimiyento at pagbatikos ukol sa paglabag umano sa freedom of the press at free expression ng kanyang administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?