47

Dec 18, 2017 @ 9:49
By

Garbage collector todas sa riding-in-tandem

Patay ang isang garbage collector o mangangalakal matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Tondo, Maynila nitong Linggo.

Nakilala ang biktima na si Nanding Ocampo, nasa hustong gulang, mangangalakal at nakatira sa lugar.

Nangyari ang pamamaril sa Capulong St. Brgy. 108, Zone 9, District 1 tondo ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagbabaklas ng kalakal ang biktima nang lumapit ang dalawang lalaking nakamotorsiklo at walang habas itong pinagbabaril.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero ideklarang dead on arrival.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?