1,178

By

Garapalan na! ‘Jingle’ ni Bong Go, umeere na sa radyo

Sharing is caring!

Nasira ang mood ng ilang mga tagapakinig ng isang sikat na FM station nitong mga nakalipas na araw matapos marinig ang isang advertisement jingle na tila maagang pangangampanya ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go.

Ayon sa ilang listeners ng 100.3 RJ FM, agaw-pansin ang isang awitin na inakala ng ilan noong una ay bagong bersiyon o revival ng sikat na OPM disco-hit song noong dekada 70 na “Bongga Ka ‘Day” na unang inawit at pinasikat ng bandang “Hotdog”.

Subalit habang tumatagal ang kanta, napansin ng ilang masugid na listeners na iba ang lyrics ng kanta hanggang umabot sa gitna nang banggitin ang parteng may katagang “Bong Go Ka ‘Day!”

Si Go ay napapabalitang tatakbo bilang senador sa papalapit na halalan sa 2019.

Sabi ng ilang dismayadong listeners ng nasabing FM station, masyadong garapal at lantaran itong si Go kahit malayo pa ang panahon ng pangangampanya para sa midterm elections sa Mayo ng susunod na taon dahil sa lumabas niyang campaign jingle.

“Anong ganap ni Bong Go? May ads everywhere tapos kanina may jingle pa sa radio hmmmm,” sabi ni Twitter user @ArceAlmodiel.

“Amp*t*, a campaign ad/jingle for Bong Go was just broadcasted on the radio? What the actual f*ck?!?! Ang aga pa for the senatorial campaign ha,” ayon kay Twitter user @bienquerois.

“At less than a year before the elections, I consider it as early campaigning, myself. Siyempre, the better the name recall, the more chances of winning, ‘di ba? BTW, may jingle na for Bong Go,” sabi naman ni Twitter user @danleene.

Ang RJ FM ay pagmamay-ari ng musikerong si Ramon “RJ” Jacinto na isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at siya ring gumawa ng ilang campaign jingle ng dating alkalde ng Davao City noong Halalan 2016.

Si Jacinto na siyang may-ari din ng Jacinto Steels ay itinalaga noong isang taon ng Pangulo bilang Presidential Adviser on Economic Affairs. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?