401
jinping
By

Garantiya ni Xi Jinping na ‘di mapapatalsik si Duterte, pinalagan ni Lacson

Sharing is caring!

Hindi pinalagpas ng ilang senador ang sinabi ni Pangulong Duterte na binigyan siya ni Chinese President Xi Jinping ng katiyakan na hindi siya mapatatalsik sa puwesto.

Mariing sinabi ni Senador Ping Lacson na hindi maaring makialam ang China at anupamang bansa sa pagpili ng lider ng bansa.

“If he really said that, and in the context that we are made to understand, all I can say is, God help the Philippines!” ani Lacson.

“We are a democratic and sovereign country. Nobody, not any foreign country but the Philippines and the Filipinos can determine and decide what is best for us,” dagdag nito.

Sa isang talumpati, inihayag ni Duterte ang umano’y pangako ni Xi Jinping.

“The assurances of Xi Jinping were very encouraging. We will not allow you to be taken out from your office, and we will not allow the Philippines to go to the dogs,” ayon sa Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?