57

Mar 8, 2021 @ 23:43
By

Ganuelas-Rosser dismayado sa utol

Naglabas ng sama ng loob sa social media si PBA veteran Matt Ganuelas-Rosser nang hindi makapasok sa official final list ng 36th Draft 2021 ang kapatid na si Brandon Ganuelas-Rosser.

Kabilang si Brandon sa Filipino-foreigners na hindi nakakumpleto ng requirements sa liga kaya hindi napasama sa listahan para sa 86 aspirante na lang sa online event sa March 14.

“An outdated rule keep my brother @brandon_rosser out of this years Draft. Brandon will have a future in this league, but I hope this can be an example of why we should amend some of these regulations. I believe the days of ‘Fil-Shams’ are behind us,” tweet Lunes ng Terrafirma Dyip.

Ilan pa sa mga hindi rin nakapasok na Fil-foreigners sa official list ay sina Jason Brickman, Taylor Statham at Jeremiah Gray.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?