95

By

Gantimpala ng atletang Asiad medalist, milyon-milyon ang inakyat

Sharing is caring!

Pinasaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga atletang nagwagi sa katatapos na 18th Asian Games na ginanap sa Indonesia.

Sa kanyang talumpati sa Awarding of Incentives sa mga atleta na ginanap sa Malacañang, inatasan ng Pangulo ang Philippine Sports Commission na magbigay ng dagdag-insentibo mula sa pondo ng ahensiya sa mga nakakuha ng medalya sa Asian Games.

Pinuri ng Pangulo ang ipinakitang galing ng mga atleta sa kanilang performance at tiniyak ang suporta ng kanyang gobyerno para sa mga ito.

Binati rin ni Pangulong Duterte ang mga coach ng mga atleta dahil sa kanilang pagsisikap na masungkit ang karangalan para sa Pilipinas.

Hindi aniya binigo ng Philippine team ang mga Filipino dahil sa ipinakitang kakayahan sa ibang bansa.

“I commend the Philippine Sports Commission for supporting the athletes and for enabling them to perform well during the games.

I have already directed the PSC to provide additional incentives, to be sourced from its funds, to the winning individuals of the 18th Asian Games,” anang Pangulo.

Nagbigay ng dagdag na bonus ang Pangulo sa mga atletang nakapag-uwi ng medalya, P1 million para sa gold medalist, P500,000 para sa silver medalist at mayroon ding cash incentive sa bronze medalists.

Bukod pa ito sa premyong makukuha mula sa PSC at Philippine Olympic Committee (POC) na P2 million para sa nanalo ng gintong medalya, P500,000 sa silver medalist at P300,000 sa nakakuha ng tansong medalya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?