403

By

‘Gangster’ tag ni Duterte kay Pulong, huwag gawing literal – Palasyo

Hindi aniya dapat intindihing literal ang ginawang pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “gangster” sa kanyang anak na si dating Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na “term of endearment” ni Pangulong Duterte sa anak ang pagtawag dito ng “gangster” nang magsalita ito sa mga lokal na opisyal sa Luzon.

“I’m sure ang ibig sabihin ng Presidente sa ‘gangster’ niya, it’s a term of endearment,” ani Roque.

Sa isang pamilya aniya ay may kanya-kanyang bansag sa mga anak pero hindi ibig sabihin na iyon na ang tunay na karakter nito.

Matatandaang sa naging talumpati ng Pangulo sa Pampanga ay tinawag nitong “gangster” ang anak na si Pulong habang ipinapaliwanag ang epekto ng ilegal na droga sa mga kabataan.

Kapag aniya nakompromiso ang mga kabataan at napahamak sa ilegal na droga, sino na ang bibili sa gamot ng mga magulang kapag matanda na lalo na kapag napatay ng drug addicts.

Pero hindi aniya aasahan ng Pangulo ang mga anak tulad ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil may sariling pamilya na ito, habang si Pulong ay kayang mabuhay kahit wala na sa puwesto dahil laking-pantalan na parang gangster ito, habang si Sebastian, alyas Baste ay abala sa girlfriend nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?