29

Jan 19, 2021 @ 19:49
By

Gandang resbak! BREN Esports dinurog Alter Ego

Matapos mabigo sa Mobile Legends Professional League Invitational (MPLI) noong nakaraang taon, determinadong patunayan ng BREN Esports na sila lang ang malakas.

Muling hinarap ng BREN ang Indonesian-based squad na Alter Ego, ang koponang tumalo sa kanila sa MPLI championship, sa M2 nitong Martes sa Singapore.

Sa unang laro, naging dikit ang laban ng BREN at Alter Ego, ngunit naging susi para sa PH squad ang magandang laro ni Lusty gamit ang Chou at nagwagi sa 22-15 kill-death record.

Matapos makuha ang kumpiyansa, hindi na nakapalag pa ang Alter Ego sa second game kung saan si Pheww naman ang naghari gamit ang kanyang markadong Selena, na may five kills, one death at anim na assists.

Dahil sa panalo, akyat na sa Upper Bracket ang BREN ESports kung saan makakaharap naman nila ang Burmese Ghouls, MPL champion ng Myanmar, sa January 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?