Ibinida sa Miss Universe post ang throwback photo ni Maria Margarita “Margie” Moran ng Pilipinas matapos itong koronahan noong 1973.
Pinusuan ng libo-libong netizens ang eleganteng ganda ni Moran sa Instagram noong Lunes matapos itong i-post sa official Miss Universe account.
Sa larawan makikita si Moran habang napapaligiran ng mga mamamahayag.
Perpekto sa magandang mukha nito ang suot niyang korona habang nagningning din ang mga mata nito dahil sa mahaba niyang pilikmata.
Si Moran ang ikalawang Pinay na naging reyna ng Miss Universe.
Kasalukuyan siya ngayong board of trustees ng Cultural Center of the Philippines matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte. ()
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?