98
pasig-river
Sep 4, 2019 @ 21:13

Ganda ng Pasig River, ibabalik ng DENR

Malaki ang paniwala ni Environment Secretary Roy Cimatu na napapanahon nang pangasiwaan mismo ng kagawaran ang Pasig River Rehabilitation Commission para maibalik ang dating ganda at kalinisan ng ilog.

Ito ay kasunod ng ibinigay na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Executive Order na nagsasalin sa DENR ng chairmanship sa Pasig River rehab body.

Naniniwala si Cimatu na sa pamamagitan nito ay masisiguro at epektibong maipatutupad ang iba’t ibang inisyatibo tungo sa tuwirang paglilinis ng napabayaang Pasig River gayundin ng Manila Bay.

“We are thankful to the President for trusting us once again with the responsibility of cleaning up Pasig River. Indeed, this is timely for our goal in rehabilitating Manila Bay,” pahayag ni Cimatu na siya ring chair ng inter-agency na Manila Bay Task Force.

Tiniyak ng DENR chief sa Pangulo at sa publiko na sisikapin ng kagawaran sa abot ng kanilang makakaya na maibalik sa dating ganda ang Pasig River bilang bahagi ng mandatong protektahan at mabigyan ng konserbasyon ang makasaysayang ilog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?