82

Sep 11, 2021 @ 10:33
By

Gamutan sa anak ni Ruby, lagpas P25K kada buwan

Isiniwalat ni Ruby Rodriguez ang dahilan kung bakit lumipad sila patungong Amerika at doon na nanirahan.

Sinabi ni Ruby sa isang episode ng “Tunay na Buhay” na gusto niyang maipagamot ang bunsong anak na si AJ.

Aniya, may tinatawag na medical condition si AJ na Henoch-Schonlein Purpura, kung saan delay ang development ng utak nito.

Bilang resulta, parang bata magsalita at mag-isip ang 20-anyos na anak ni Ruby.

“He has intellectual disability, it means his brain is delayed at his biological age,” pag-amin ni Ruby.

Dagdag pa niya, hindi katulad sa Pilipinas na nagmumula sa bulsa niya ang ginagastos sa gamutan kay AJ na pumapalo sa mahigit P25,000 kada buwan, sa Amerika ang insurance company ang bumabalikat nito.

“Sa isang buwan ang gamot niya P25,000 isang gamot pa lang iyon a month, e marami pa siyang iba,” lahad ni Ruby.

Gusto raw kasi ni Ruby na kapag nawala sila ay kaya ni AJ na suportahan ang sarili.

Sa ngayon nagtatrabaho ang TV host sa Philippine Consulate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?