89

Jan 4, 2018 @ 12:08

Gamot sa pagkabulag ibinebenta ng $850,000 sa Amerika

Ibinebenta sa halagang $850,000 o higit sa P42 milyon ang medical treatment para sa hereditary degeneration ng retina na nauuwi sa pagkabulag, ang pinakamahal ngayon na paggamot sa Amerika.

Ang Luxturna (voretigene neparvovec-rzyl), isang gene therapy para gamutin ang mga bata at matandang pasyente na may namanang disorder sa paningin at nagreresulta ng pagkabulag ay may halagang $425,000 bawat isang mata.

Mas mura umano ito sa $1 milyong inasahang presyo nito bago natanggap ng kompaniyang nakabase sa Philadelphia na Spark Therapeutics ang pag-apruba ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) nitong Disyembre, ayon sa AFP.

Nangako naman ang Spark na sakali umanong hindi umubra o tumalab ang paggamot sa mata ng pasyente ay ibabalik ang ibinayad nito.

Kinokonsidera ang Luxturna na gene therapy sa Amerika, kung saan aayusin ang depektibong gene na maaaring mauwi sa pagkabulag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?