93

Apr 20, 2020 @ 20:37
By

Gamot sa malaria susubukan kontra COVID-19

Nakipagkasundo ang Swiss drugmaker na Novartis sa mga US regulator para magsagawa ng randomized trial ng generic malaria drug na hydroxychloroquine laban sa COVID-19 disease.

Susubukan ang hydroxychloroquine sa may 440 na pasyente, ayon sa ulat ng Reuters.

Nauna nang nakakuha ng awtorisasyon mula sa U.S. Food and Drug Administration ang dekada nang medisina para sa emergency use laban sa coronavirus disease.

Maliban sa malaria, pinanggagamot din ang hydroxychloroquine sa lupus at rheumatoid arthritis.

Isa sa sumuporta rito si US President Donald Trump.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?