470

Mar 21, 2020 @ 14:25
By

Gamot sa malaria, rayuma, ebola susubukan sa COVID-19

Sinusubukan ngayon ng mga eksperto sa Estados Unidos ang gamot na hydroxychloroquine na ginagamit ng mga doktor laban sa malaria at arthritis.

Kinumpirma ni US food and drugs commissioner Stephen Hahn na sinusubukan na nila sa ilang volunteer patient na infected ng coronavirus ang naturang gamot, at pinag-aaralan ng kanilang mga eksperto ang epekto nito sa katawan ng isang pasyente.

Sinusubukan din ng mga dalubhasa sa buong mundo ang gamot na Remdesivir na gamot para sa Ebola virus at Middle East Respiratory Syndrome o MERS na halos pareho ng coronavirus.

Ginamit ng mga doktor sa Providence Regional Medical Center sa Washington ang naturang gamot sa coronavirus patient kung saan gumaling ito.

Pero ayon sa US-FDA, kailangang pag-aralang mabuti ang side effect nito bago nila payagan at kumpirmahin na mabisang gamot nga ito laban sa COVID-19.

Isang cross-agency effort ang ginagawa ng mga scientist sa buong mundo kung saan ilan sa mga ito ay nagsasagawa ng combo plasma procedure sa mga survivor ng coronavirus.

Ang combo plasma ay isang procedure kung saan kukunan gagamitin ang dugo ng isang gumaling na pasyente at ipoproseso ito hangang maging pathogen free bago iturok sa mga infected patient.

Isang command group na binubuo ng US-FDA at Center for Disease Control ang 24-oras na nag-aaral para hanapin ang gamot sa nakamamatay na sakit, na masusing tinututukan ng scientific oversight para masiguro na ligtas ito bago ipagamit sa tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?