29

Oct 4, 2021 @ 15:59
By

Gamot na Molnupiravir binabantayan ng DOH

Nakamonitor ang Department of Health (DOH) sa mga bagong development sa gamot na Molnupiravir na sinasabing nakakatulong sa paglaban sa COVID-19.

Sa press briefing ng Malacañang, sinabi ni Duque na binabantayan na nila ang mga kaganapan sa ginagawang pag-aaral ng mga eksperto sa ibang bansa kaugnay sa nasabing antiviral drug.

Mayroon na aniyang approval para Emergency Use Authority ang Molnupiravir pero sa ibang bansa ito at hindi sa Pilipinas.

“Binabantayan po natin ang developments patungkol sa antiviral drug na Molnupiravir. Ang alam ko yan yung gamot na binigyan na umano ng approval o EUA. Pero dito sa atin wala pa pong nag-aapply,” ani Duque.

Dahil dito hinikayat ng kalihim ng samahan ng pharmaceutical associations sa bansa na mag-apply na rin ng EUA para kung sakaling available na ang nabanggit na gamot ay mayroon na kaagad permiso mula sa Food and Drug Administration.

“Hinihikayat natin ang mga pharmaceutical healthcare association of the Philippines na tingnan po ito, at kung makapag-apply na proactively for an EUA or compassionate special permit. Kahit wala pa yung gamot pero pagka naging available na at least meron na kaagad authorization,” dagdag ni Roque.

Kasabay nito inatasan rin ni Duque ang pharmaceutical division ng DOH na maging proactive para sa nabanggit na gamot.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?