17

Sep 28, 2020 @ 12:51
By

Gamit na face mask, glove nagkalat sa EDSA

Kalat-kalat ang mga pinaggamitang personal protective equipment (PPE) sa EDSA-White Plains kaninang Lunes ng umaga.

Napaulat na kabilang dito ang mga PPE suit, face mask, at medical glove.

Kaya naman pinaalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang tamang pagtatapon ng basura lalo at kumakapit ang COVID-19 sa mga bagay, na siyang pwedeng sanhi kaya mahahawa sa virus ang tao.

“It is marked and labeled that it is health care waste. So we remind our health care providers and our local government units: humihingi po kami ng tulong para ma-monitor natin ang pagtatapon natin ng basura,” wika ni Vergeire.

“’Pag kumalat yan sa daan, ‘pag pinulot ito ng ating garbage collectors and they are not wearing their gloves…or even when they are wearing their gloves, ‘pag na-miss out nila, nakahawak sila sa kanilang mukha, maaari silang mahawa,” aniya pa.

Dapat din daw sinasabi ng mga residente sa mga basurero kung may laman na PPE ang kanilang tinatapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?