57

Jan 21, 2019 @ 16:07

Game-winner ni Rose, nagpasilaw sa Suns

MVP form ang ipinamalas ng Minnesota Timberwolves player na si Derrick Rose sa kanilang panalo kontra sa Phoenix Suns, 116-114 nitong Lunes ng umaga sa Pilipinas.

Sa huling segundo ng laro, winili ni Rose ang Phoenix rookie na si Mikal Bridges, matapos makuha ang espasyo ay umangat ng fade-away jumper para maibutas ang tira, 0.6 segundo na lang ang nalabi sa game clock.

29 sa 31 puntos ni Rose ay kanyang ginawa sa second half, binuhat ang Timberwolves mula sa 11 puntos na pagkasadlak.

Kanya namang nakatuwang si Karl-Anthony Towns na may 30 puntos naman.

Para sa Phoenix, nanguna si TJ Warren na may 21 puntos, samantalang may tig-18 naman sina Devin Booker at Kelly Oubre Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?