38

Sep 26, 2021 @ 19:32
By

Game winner! Cabagnot pinaiyak ang Batang Pier

Sa laro kung saan nagpakita ng puso si Robert Bolick, handa naman si Alex Cabagnot para patunayan na siya ang tunay na ‘clutch man.’

Ibinuslo ni Cabagnot ang isang pull-up jumper may 1.5 segundo sa orasan upang buhatin ang San Miguel Beermen sa 88-87 paglusot kontra sa Northport Batang Pier sa game one ng kanilang best of three quarter finals series ngayong Linggo.

Bago ang kabayanihan ni Cabagnot, si Bolick muna ang bumida sa kanyang mala-Damian Lillard na tres na nagbigay sa Northport ng 87-86 na lamang sa natitirang 5.1 segundo.

Doon na sumagot si Cabagnot para burahin ang kabayanihan ni Bolick.

Tumapos si Cabagnot ng may 20 points, sa una niyang laro matapos magtamo ng injury.

Sumuporta sa kanya si Mo Tautuaa na nagtapos ng may 15 points, habang may 14 points naman si CJ Perez.

Si Sean Anthony naman ang nanguna sa Batang Pier sa kanyang 16 points, habang nag-ambag si Greg Slaughter ng 15 points.

Hawak ngayon ng Beermen ang 1-0 lamang sa serye at isang panalo na lamang bago makapasok sa semis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?