0
views

By

‘Game of Thrones’ humakot ng 22 nominasyon sa Emmy Awards

Sharing is caring!

Nangibabaw ang fantasy epic na “Game of Thrones” ng HBO sa Emmy Awards nitong Huwebes.

Hinakot nito ang 22 nominasyon, kabilang na ang best drama series.

Kakompetensiya nito ang paborito ring comedy show na “Saturday Night Live” at “Westworld”, na kapwa may 21 nominasyon.

Ang “Game of Thrones” ay kuwento ng mga pamilya na naglalabanan para sa Iron Throne.

Samantala, ang “A Handmaid’s Tale”, na nanalo noong nakaraang taon ng award for best drama series, ay may 20 nominasyon.

Nanguna sa nominasyon “in totals by platform” ang Netflix (112), na tinalunan ang lider noong nakaraang taon na HBO (108), at NBC (78).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?