61

Mar 17, 2020 @ 11:28
By

Game of Thrones actor natamaan ng COVID-19

Nilantad ng actor mula sa sikat na HBO series na ‘Game of Thrones’ na nagpositibo ito sa coronavirus.

Sa Instagram post ni Kristofer Hivju, na gumanap bilang Tormund Giantsbane, sinabi nito na siya ay kasalukuyang naka-isolate kasama ang kanyang pamilya matapos niyang magpositibo sa nasabing virus.

“Greetings from Norway! Sorry to say that I, today, have tested positive for (COVID-19),” saad niya. “I only have mild symptoms of a cold.”

Nanawagan din ito sa publiko na mag-ingat, hugasan ang kamay, lumayo ng 1.5 meter sa ibang tao at mag-quarantine para maiwasan ang pagkalat ng virus.

“Together we can fight this virus and avert a crisis at our hospitals. Please take care of each other, keep your distance, and stay healthy!” aniya pa.

Ito ang ika-apat na kaso sa Hollywood na nagkaroon ng COVID-19, una ay sina Tom Hanks at asawa nitong si Risa Wilson, British actor Idris Elba, at dating Bong girl Olga Kurylenko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?