1,085

By

Game footage umaabot sa NBA! Lakers legend kilala si Kai Sotto

Sharing is caring!

Mula sa balitang may offer sa Europa, maging sa NBA ay matunog na ang pangalan ni Kai Sotto.

Sa katunayan, maging si Vlade Divac, dating Los Angeles Lakers player at ngayon ay general manager na ng Sacramento Kings, ay nakita ang potensyal ng Ateneo player.

Sa column ni Homer Sayson na Spin Zone sa Spin.ph, kanyang nakapanayam si Divac at naitanong ang tungkol kay Kai Sotto.

Hindi nagdalawang-isip ang Kings top executive na sinabing kilala nga niya ang 16-anyos na binata, saad na malaki ang potensyal nito dahil sa angking talento, ang mahalaga ay mag-focus ito at panatilihin ang improvement sa laro.

Si Divac ay dating head of basketball operations at consultant ng Real Madrid, ang koponan na napabalitang may balak kunin ang serbisyo ni Kai Sotto para sa five-year $1-million contract.

Matatandaan na sa column din ni Sayson ay nabunyag na kilala ni Dallas Mavericks owner Mark Cuban na kilala niya si Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?