31
Yeng Guiao
Mar 15, 2018 @ 19:00
By

Game 4 dapat amin – Guiao

Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Magnolia Pambansang Manok para maka-abante sa finals ngunit hindi ito basta-basta hahayaan ng NLEX na kanilang kaduwelo sa 43rd PBA 2017-2018 Philippine Cup Semifinals.

Dapat magtulungan ang kampo ni Chito Victolero sa kanilang muling pagharap sa NLEX ngayong alas-7:00 nmg gabi gabi sa Game 4 ng best-of-seven series sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Kung makatatlong sunod na panalo ang Magnolia, isang panalo nalang ay balik finals na muli na huling nalasap noong 2014 Governors’ Cup.

Pero haharangan ng Road Warriors ang Hotshots para makatabla sa serye at sa pagsamantala sa pagkawala ng anim-walong buwan ni Marc Pingris na iperahan na sa ACL kaliwang tuhod.

“On Friday, it’s a must-win for us, that’s a crucial game,” wika ni Road Warriors coach Yeng Guiao matapos ang 99-106 taob sa Game 3 Miyerkoles ng gabi.

“Every win for us, it prolongs this series. Siguro, we’ll take our chances with a long series,” dagdag ni Guiao. “We fought hard, but again the breaks did not fall on our side. But we will fight harder on Friday. We know that’s a make-or-break game for us.”

Ito naman ang salag ng Hotshots coach: “It (Game 4) will be a dogfight kasi NLEX, iyun ‘yung game na they need to win. We just need to sustain kung ano ginagawa namin and we need to surpass the effort of NLEX.”

Malaking bentahe pa rin para sa Magnolia lalo’t bagito pa lang sa semis ang NLEX.

“Iyung experience namin before, I think, mayroon kaming konting advantage doon,” panapos ni Victolero. “Plus, may mga player kami, like Paul (Lee), Mark (Barroca), Rafi (Reavis) and Ian (Sangalang)… they know how to win big games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?