Game 2 ng UAAP finals, larga ngayon

Sharing is caring!

Muling maghaharap ang Ateneo Blue Eagles at De La Salle Green Archers sa Game 2 ng UAAP Season 80 men’s basketball best-of-three finals series mamayang alas-kuwatro ng hapon sa Araneta Coliseum.

Nakaungos na nang bahagya ang Blue Eagles, 1-0 sa serye, matapos gapiin ang Green Archers sa Game 1 ng kanilang karibalan, 76-70.

Susubukang tapusin na ng Katipunan-based ang serye ngayong araw habang pakay ng mga taga-Taft na pahabain pa ito sa Game 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?